BACOLOD TAY TUNG HIGH SCHOOL MAKULAY NA IDINIWANG ANG ARAW NG WIKAIdinaos ng mga mag-aaral sa Junior Highschool (JHS) ng Bacolod Tay Tung High School ang Buwan Ng Wika sa pamamagitan ng pagsusuot ng iba’t – ibang kasuotang Pilipino at pagkaroon ng munting salo-salo sa kanilang mga silid aralan, ika-22 ng Agosto 2024.Nagpakitang gilas ang mga mag-aaral ng iba’t-ibang baitang sa kanilang pagiging malikhain sa kompetisyon sa pagawa ng tula na ukol sa tema na ” Siyam na pung taon at Isang Puso: Pamana ng Kahapon, Pasasalamat sa Ngayon.” Bawat seksyon sa JHS ay may sariling paraan ng pagdiriwang, kabilang ang mga larong Pinoy sa loob ng silid-aralan, mga paligsahan sa pagitan ng batch, at ang ilan ay nagdiwang sa pamamagitan ng pagkanta ng mga OPM songs.Sa kabila ng mga kompetisyon, nanatiling buo ang diwa ng pagkakaisa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagdiwang sa araw na may kagalakan at pagmamalaki sa bansang Pilipinas.Written by: Jadah Samantha BillonesOriginal Photo Credits: John Zachary Tan, Aliyah Pimentel


BACOLOD TAY TUNG HIGH SCHOOL MAKULAY NA IDINIWANG ANG ARAW NG WIKA
